Friday, June 20, 2014

Pilipino ang Kulay at Dugo Ko



     Sa bawat oras, minuto at segundong lumilipas ay maraming nagbabago sa ating bansa. Maraming mga Pilipino ang nagbabago, maraming bagay ang napapalitan pero ang dugong nananalaytay sa ating katawan ay hinding-hindi magbabago at hinding-hindi mapapalitan ng kung sino man.
    
    Maraming ginawa ang ating mga ninuno para sa atin, marami na silang naisakripisyo para lamang sa ating bansa. Isa na sa bunga ng mga kanilang sakripisyo ay ang hanggang ngayong umuusbong na kultura. Ang kulturang patuloy na sumisibol at nililinang ng mga Pilipino sa kasalukuyan. 
    
   Ilan na lamang sa mga kulturang ating lalo pang pinagyayaman ay ang pagiging matulungin, makapagkawang-gawa, hospitable o ang pagiging magiliw sa mga panauhin, pagiging maka-Diyos at ang paggalang sa nakatatanda at sa kapwa.
     
     Kahit ngayong sobrang laki na ng pinagbago ng Pilipinas kumpara sa panahon noon ay hindi pa rin  natin makakaila na tayo pa rin ang Pilipinong nagmamahal sa ating wika, sa ating paniniwala, sa ating Kultura at tradisyon at nagpapahalaga sa bawat isa. At kahit anong mangyari ay ang pagiging  Pilipino pa rin ang dugong nananalaytay sa ating katawan at iisa lang ang kulay natin dahil Pilipino lang ang kulay at Dugo natin.

No comments:

Post a Comment